Mga Kaganapan sa Buwan ng Wika
Ang Kolehiyo ng Sining at Agham ay magdaraos ng ng iba’t-ibang kaganapan upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Agosto 3
(ika-7 ng umaga) -Banal na Misa na gaganapin sa kapilya ng St. Ezekiel Moreno
(ika-9 ng umaga) -Pista ng Katutubong Sayaw (SSC-R Quadrangle)
(ika-11 ng umaga) -Masayang Pananghalian (Pagpapakilala ng mga Pagkaing Pinoy)
Agost 11
(ika-9 ng umaga) – Tagisan ng Talino sa Iba’t-ibang Disiplina (IMC, ika-limang palapag)
(ikaisa ng hapon) – Tunggalian ng Talakayan (Debate) – Little Theater/College Lobby
Agosto 18
(ikaisa ng hapon) – Komedya (Tanghalang Pangkolehiyo)
Agosto 25
(ikaisa ng hapon) – Pasiklaban ng Sayaw at Awit (Tanghalang Pangkolehiyo)
Ang Buwan ng Wika ay taunang pagkilala sa kahalagahan ng wika na idinaraos sa iba’t-iba, maningning at makulay na paraan. Sa taong ito, ang pagdiriwang ay may temang “SA PANGANGALAGA NG WIKA AT KALIKASAN, WAGAS NA PAGMAMAHAL TALAGANG KAILANGAN”.